Monday, July 18, 2011

Antarctica by Matikas Santos

They found gold in Antarctica
and everybody is going to get some for themselves.
I joined the search and went
to a land where there is neither night nor day.

Barely able to move within winter's clenched fist
and embraced by the long, cold arms of the wind,
my eyes beheld a sight that shook me.
A hundred thousand people digging, shoveling, scavenging for gold.

I held the torch I brought from home closer to my body
"Fend off the crawling darkness and pry me from winter's grasp!" I prayed.
Then, scattered and half-buried in the snow, I saw
cold embers and broken torches of those who came before me.

"Why did you throw away your torch?" I asked.
"You can dig faster if both hands are free." they replied.
"What about the cold and the darkness?"
"Your skin will grow thick and you learn to feel with your hands in the dark."

I step back and look at the vast expanse
people digging, blind and numb, in the cold and dark.
For gold so precious and so rare
is easily found here in a world so dry.

My flame flickers as it is drowned by the wind
I bring it to my chest, shield it with my arms, and look into its kindled depths
"I wont let go or throw you away, so keep me warm and give me light,
for I don't want to be blind and numb in Antarctica."

Creative Commons License
This work by Matikas Santos is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-Share Alike 3.0 Philippines License.

Sunday, July 3, 2011

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa by Andres Bonifacio


"Pag-ibig sa Tinubuang Lupa was written by Andres Bonifacio during the time of the Philippine Revolution.

1.
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
sa pagka-dalisay at pagkadakila
gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

2.
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
at isa-isahing talastasing pilit
ang salita’t buhay na limbag at titik
ng isang katauhan ito’y namamasid.

3.
Banal na pag-ibig! pag ikaw ang nukal
sa tapat na puso ng sino’t alinman,
imbi’t taong gubat, maralita’t mangmang
nagiging dakila at iginagalang.

4.
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
sa bayan ng taong may dangal na ingat,
umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
kalakhan din niya’y isinisiwalat.

5.
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

6.
Bakit? Alin ito na sakdal nang laki
na hinahandugan ng buong pag kasi
na sa lalong mahal na kapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi.

7.
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
siya’y ina’t tangi na kinamulatan
ng kawili-wiling liwanag ng araw
na nagbigay init sa lunong katawan.

8.
Sa kanya’y utang ang unang pagtanggap
simoy ng hanging nagbigay lunas,
sa inis ng puso na sisinghap-singhap,
sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

9.
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
mula sa masaya’t gasong kasanggulan.
hanggang sa katawa’y mapasa-libingan.

10.
Ang nanga karaang panahon ng aliw,
ang inaasahang araw na darating
ng pagka-timawa ng mga alipin,
liban pa ba sa bayan tatanghalin?

11. At ang balang kahuy at ang balang sanga
na parang niya’t gubat na kaaya-aya
sukat ang makita’t sa ala-ala
ang ina’t ang giliw lumipas na saya.

12.
Tubig niyang malinaw sa anaki’y bulog
bukal sa batisang nagkalat sa bundok
malambot na huni ng matuling agos
nabaka aaliw sa pusong may lungkot.

13.
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang ala-ala’t inaasam-asam
kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

14.
Kung ang bayang ito’y nasa panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik
ang anak, asawa, magulang, kapatid
isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

15.
Datapwa kung ano ang bayan ng katagalugan
ay nilalapastangan at niyuyurakan
katwiran, puri niya’t kamahalan
ng sama ng lilong ibang bayan.

16.
Di gaano kaya ang paghinagpis
ng pusong Tagalog sa puring nalait
at aling kaluoban na lalong tahimik
ang di pupukawin sa paghihimagsik?

17.
Saan magbubuhat ang paghihinayang
sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
kung wala ring iba na kasasadlakan
kundi ang lugami sa kaalipinan?

18.
Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos
sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop
supil ang pang-hampas tanikalang gapos
at luha na lamang ang pinaa-agos

19.
Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay
na di-aakayin sa gawang magdamdam
pusong naglilipak sa pagka-sukaban
na hindi gumugol ng dugo at buhay.

20.
Mangyari kayang ito’y masulyap
ng mga Tagalog at hindi lumingap
sa naghihingalong Inang nasa yapak
ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

21.
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog,
nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
at natitilihang ito’y mapanuod.

22.
Hayo na nga kayo, kayong nanga buhay
sa pag-asang lubos na kaginhawahan
at walang tinamo kundi kapaitan,
kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

23.
Kayong natuyan na sa kapapasakit
ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
muling pabalungit tunay na pag-ibig
kusang ibulalas sa bayang piniit.

24.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
ng bala-balakit makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

25.
Kayong mga pusong kusang inuusal
ng daya at bagsik ng ganid na asal,
ngayon ay magbangon’t baya’y itanghal
agawin sa kuko ng mga sukaban.

26.
Kayong mga dukhang walang tanging sikap
kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

27.
Ipahandog-handog ang buong pag-ibig
hanggang sa mga dugo’y ubusang itangis
kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
ito’y kapalaran at tunay na langit.

Sa Aking Mga Kabata by Jose P. Rizal


Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid
Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian

At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.