Uumpisahan mo hindi sa pag-upo't pagpapaandar ng bolpen sa papel. Tatayo ka't maglalakad.
Papalabas. Sa sagadsarang inog ng mundo. Sasakay sa bus o dyip. (Mahirap sa kotse.)
Makikisingit sa kasikipan ng sangkatauhan. Uubuhin ka sa walang sawang buga ng tambutso ng lungsod.
Didikit sa iyo ang pawis, manlalagkit ito, at pagkakapitan ng alikabok, ng amoy ng araw, gasolina o estero.
Maririnig mo ang kakaibang musika ng lansangan--ang arangkada't kaskasan ng mga sasakyan, ang pangungulit ng mga tindera, ang matining na tugtog ng gitara ng pulubing musikero.
Pagmamasdan mo lalo na ang mga tao, sa sari-sarili nilang tayo, galaw at lakad. Pakikiramdaman mo ang kanilang mga isinasaloob na mababakas lamang, paminsan-minsan, sa mukha at palad.
paiglap-iglap mong pagugulungin ang isip. Paaalimpuyuhin ang sariling damdamin. Isasangkot mo ang iyong buhay sa kanilang mga inaasikaso't perhuwisyo't panalangin.
Pasaglit-saglit, sasama ka sa kanilang tahanan. Makikitira, makikikain, makikitulog. Paaampon ka sa kanilang buhay. Gagawin mo ito habang wala ka pang naikakatha, habang wala pang buhay ang nagpapatinag sa iyong pusong pagal na sa kauupo't kaaaral.
Gagawin mo ito hanggang sa bihagin ka ng larawang nabubuhay sa iyong harap, larawang sumasalamin sa katotohanan na mapait omarahas man ay angkin ding kagandahan at kahiwagaan. Gagawin mo ito hanggang sa madama mo ang malalim na talab ng larawan sa iyong sarili. Kukurot ito sa iyong gunita at damdamin.
Mapapatigil ka upang manalamin sa harap ng larawan. Mauusal mo sa sarili: ito ang isusulat ko, siya ang isusulat ko--siya na aleng nagtitinda ng tawas sa may simbahan; siya na pulubing nakaratay sa gitna ng ingay at dumi ng konstruksyon ng LRT; silang magkasintahang kay tamis sa isa't isa sa lilim ng buwan ng Luneta; itong paslit na maaga pa sa buhay ay nagtitinda na ng Storck; silang mga dalagita ng Ermita; siya na tsuper ng dyip uuwi mamayang gabi sa asawa't anak, pagod sa kapapasada; siya na binatang manggagawa, nagwewelga, at walang makitang pag-asa.
Isang tao na pumatid sa pintig ng iyong buhay. Siya ang isusulat mo. Mag-iisa kayong dalawa sa katahimikan, sa labas ng matuling daigdig. Bibihisan mo siya ng telang hinabi mula sa mga karanasang iyong pinagtagni-tagni. Isusuot mo sa kanya ang damdamin. Sisipatin kung tama na ang hubog, ang tiklop sa laylayan. Kukulayan mo siya ng mga piling salita, at bibigyan mo siya ng tinig na sasaliw sa musika ng daigdig.
Mabubuhay siya. Patitingkarin mo ang kanyang katotohanan. Ang lahat ng ito'y ikaw ang may katha.
Kung susulat ka, ikaw talaga ang nililikha.

No comments:
Post a Comment